GMA Logo Kylie Padilla and Aljur Abrenica
Celebrity Life

Kylie Padilla, inaming naging toxic ang relasyon niya kay Aljur Abrenica noon

By Cara Emmeline Garcia
Published September 6, 2020 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Aljur Abrenica


Pag-amin ni Kylie Padilla, “Nung start ng relationship namin, hindi siya naging maganda.” Alamin kung bakit, DITO:

Isang tell-all video ang hatid ni Kylie Padilla at ang asawa niya na si Aljur Abrenica sa kanilang latest vlog.

Dito, sinagot ng mag-asawa ang ilang assumption ng fans at isa na dito ang kanilang pagka-”low-key” sa kanilang relationship.

Puna ni Kylie na hindi naging madali sa umpisa ang kanilang relasyon bilang mag-nobyo dahil sa mga isyu na lumabas noong nagsisimula pa lamang sila.

Aniya, “Actually, nung start ng relationship namin, hindi siya masyadong maganda. Hindi siya naging maganda.

“Strict kasi 'yung tatay ko at ayaw pa niya na magka-boyfriend ako noon. Tapos nung nalaman niya na I was seeing someone, ayun nagkagulo na.

“There were some things na nailabas sa media na ayaw ko sanang ilabas o malaman kasi 'di naman kailangan malaman [ng lahat] kasi it's a private matter pero nalaman pa rin.”

Wika pa ng aktres na hindi niya inakalang malaki ang magiging epekto ng kanyang relasyon status sa kanyang buhay sa loob at labas ng showbiz.

“Based on my experience, doon sa earlier part ng relationship natin, ang dami talagang toxic na nangyari na hindi naman kailangan.

“Hindi lahat ng dirty laundry mo, i-e-ere mo, that's not how I want my life to be like. Lalo na si Aljur kasi gusto niya talaga low-key.

“Maganda nga ito kasi we get to talk about it. Kasi nung time na 'yon, napipilitan lang tayo magsalita kasi kailangan na. Kasi ang gulo na.”

Para kay Aljur, wala siyang pinagsisisihan sa desisyon niyang ipagtanggol si Kylie noon.

Wika ng aktor, “Well we were young. Pero looking back, kung ano'ng desisyon na iniisip ko noon para sa atin ay tama. It's a good experience din kaya tayo nagmature ngayon.

“[I mean], kailangan ba malaman ng lahat na tayong dalawa at that time? Nung year na 'yun, 'di namin gustong aminin kasi I had a feeling na it's not the right thing to do.

“Pero para sa akin, the right thing to do is to be with you, to love you, to take care of you, and that's what i did at the time.

“Keep moving forward 'di ba? Always looking for growth. Kung magkamali ka, so what? At least nagkamali ka nang mabilis.”

Pagtapos ni Kylie, “That's why now, medyo low-key na kami kasi ang toxic ng first part of our relationship. And now that everything is in our control, 'yun ang pinipili namin, to keep things more private.”

Panoorin ang kanilang buong vlog:

Noong 2011, nabalitaan na nasa isang exclusive relationship sina Kylie at Aljur.

Matapos ang tatlong taon, nagkahiwalay ang dalawa dahil sa usap-usapang may third party si Kylie na itinanggi naman nito sa media.

Aniya sa GMA News noon, “There were rumors of me having a third party. So siyempre, naka-apekto sa kanya 'yun. After that, nagulo na lahat.”

Nagkabalikan ang mag-nobyo noong 2016 at kinumpirma nila ito sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang litrato sa Japan.

Noong 2017, inanunsyo ni Kylie na engaged na siya sa aktor. Ikinasal naman sila noong December 11, 2018.

Ngayon, mayroon na silang dalawang anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo Abrenica.