
Maayos daw ang co-parenting setup ng ex-couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Matatandaan na kinumpirma noong 2021 ni Senator Robin Padilla, tatay ni Kylie, na tuluyan nang nagtapos ang relasyon ng celebrity couple na ikinasal noong 2018.
Sa panayam kay Kylie ng Your Honor, ikinuwento niya kung paano ang sistema nila ng dating mister.
“Well, usually sa weekends sa kaniya 'yung mga bata and then, nagbo-bonding sila," sabi ng Sang'gre actress.
Ibinahagi rin niya nna meron na silang napagkasunduan pagdating sa financial needs ng kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
“Okay naman kami on that part," sabi ni Kylie. "May pinag-usapan na kami amount every month. Pero nagtatanong rin naman siya [like] half kami sa school fees, ganiyan. If ever may hospital fees nago-offer naman siya.
“At least 'di ba.” Reaksyon ni Chariz Solomon. Dagdag niya, “Very important 'yung may eagerness man lang siya. Kahit hindi niya maibigay ng buo, meron siyang eagerness. At dito sumang-ayon si Kylie.
Paano naman kaya ang hataian nila sa schedule kasama ang mga anak pagdating tuwing holidays?
“Gusto ko Christmas sa akin, gift-giving, family, 'di ba, bonding. And then, I give New Year sa kaniya.”
Pero agad nilinaw ni Mommy Kylie na gusto niya may 'say' ang two boys nila sa kung sino ang gusto nila makasama.
“I ask my kids kung ano gusto nila gawin. Binibigyan ko sila ng choice ba, 'Ano ba gusto n'yo gawin? Do you want to do this? Gusto n'yo ba sa tatay n'yo?'
“Gusto ko masanay sila na may 'say' sila. Gusto ko yun kasi kita ko naman na mas um-okay nga 'yung relationship nila sa tatay nila now.”
Panoorin ang full interview ni Kylie sa Your Honor sa video below:
Related gallery: Inspiring blended families of celebrities