What's Hot

Kylie Padilla, may payo mula kay Aljur Abrenica sa manliligaw

By Aedrianne Acar
Published December 17, 2025 10:40 AM PHT
Updated December 17, 2025 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla


Kylie Padilla on ex-husband Aljur Abrenica: “Itong taong ito minahal ko rin naman at maayos naman siyang tao.”

Sa kabila ng malungkot na pagtatapos ng relasyon nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, napanatili nila ang ang respeto sa isa't isa. At sa pamamagitan ng co-parenting, maayos nila naaalagaan ang mga anak nilang sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kinumpirma ni Kylie ang paghihiwalay nila Aljur noong July 2021 matapos itong isiwalat ng kanyang ama na si Senator Robin Padilla..

Sa nagong episode ng Your Honor, ikinuwento ni Kylie na may payo ang dating mister sa kaniya tungkol sa kaniyang manliligaw.

Pag-alala niya, “Nung nag-Circus may--" Natigilan at natawa ang Sang'gre actress. Patuloy niya, “Dumaan lang 'yung... hindi ko alam if nagtanong siya or I brought it up, I don't know. 'Tapos parang sinabi niya lang na, 'Mag-ingat ka sa manliligaw mo, ah.' Kasi alam niyang single ako, e. 'Tapos may nabanggit akong manliligaw, nagbigay siya ng opinyon,"

Agad na tanong ni Your Honor host Chariz Solomon, "Ano 'yung reaction mo nung nag-comment siya about it, 'yung nagbigay siya ng opinyon, advice?”

Sinabi ni Kylie na walang problema na nagbigay ng advice ang ex-husband at may point naman din daw ito.

Inilarawan pa ng Kapuso actress na para silang 'mag-tropa' ngayon ni Aljur.

“Matagal na nangyari 'yung sa amin, so nakapag-heal na ako. And sabi ko talaga, itong taong ito minahal ko rin naman at maayos naman siyang tao.

“Yun na lang 'yung nakikita ko sa kaniya… Okay, tanggalin na natin lahat, I will appreciate lahat ng maganda.”

Panoorin ang panayam ni Kylie sa Your Honor sa video sa itaas.

Related gallery: Kylie Padilla and Aljur Abrenica's wedding photos: