
Tila unti-unti nang nade-develop ang mga karakter nina Kylie Padilla at Jak Roberto sa GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife na sina Gina at Gerald, lalo na ngayon na nakatira ang dalawa sa iisang bubong at namumuhay nang tila mag-asawa.
Matatandaan na hinikayat ng girlfriend ni Gerald na si Betsy (Kazel Kinouchi) ang best friend niyang si Gina na pakasalan ang kaniyang nobyo. Ito ay para matulungan si Gerald na makarating ng Amerika at makakuha ng citizenship, na siya namang tutulong kay Betsy para makapunta ng Amerika.
Noong una ay hindi pumayag si Gina sa set-up nila ngunit kalaunan ay pumayag na rin siya sa gusto ng kaniyang matalik na kaibigan. Isinama niya si Gerald sa Amerika para magpanggap bilang mapapangasawa. Para gawing mas makatotohanan ang kanilang pagkukunwari at makapasa sa immigration, kinailangan ni Gerald na manirahan sa bahay ni Gina at magsama sila doon ng parang mag-asawa na.
RELATED FEATURE: EXCLUSIVE BEHIND THE SCENES OF 'MY FATHER'S WIFE'
Ngunit sa kanilang pagsasama, ay tila nagbabalik ang dating pagkagusto ni Gina kay Gerald, samantalang ganoon din ang binata sa kaniya. Unti-unti na nga bang nade-develop ang feelings nina Gina at Gerald para sa isa't isa? Paano na ang naghihintay na girlfriend ni Gerald sa Pilipinas? Hindi na nga ba matutupad ang pangarap ni Betsy na makarating ng Amerika?
Tutukan ang My Father's Wife para sa mga kaabang-abang na eksena, Lunes hanggang Sabado, 2:30 pm sa GMA Afternoon Prime.