GMA Logo Kylie Padilla
Photo by: JP Yu, Encantadia Chronicles: Sang'gre
What's on TV

Kylie Padilla, labis ang pasasalamat sa suporta ng Sang'gre fans

By Kristine Kang
Published August 4, 2025 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alice Guo to undergo 60-day orientation, assessment in women’s correctional —BuCor
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar
Number coding suspended on Dec. 8

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Abangan ang mangyayari kay Amihan at sa iba pang mga Ivtre sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

Ramdam na ramdam ang excitement ng Kapuso fans para sa upcoming episode ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Noong nakaraang linggo, ipinasilip na ang Devas (katumbas ng langit) kasama ang mga inaabangang karakter tulad nina Ybarro/Ybrahim (Ruru Madrid), Cassandra (Michelle Dee), Lira (Mikee Quintos), Mira (Kate Valdez), Aquil (Rocco Nacino), at Gaiea (Cassy Lavarias).

Syempre, marami rin ang natuwa na makita muli si Hara Amihan, ginampanan ng Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Ang naturang episode ay kaagad pinusuan ng fans at pinag-usapan sa social media. Patuloy rin panalo ang superserye sa television ratings base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, taos-pusong nagpasalamat si Kylie sa mainit na suporta ng fans:

"Nakakataba siya ng puso syempre because alam na natin ano nangyari sa akin the past season pero medyo parang nakakataba ng puso na it's been how many years, nine years, and still inaabangan si Amihan," aniya.

Dagdag pa niya, "So thank you so much guys. Ramdam ko ang pagmamahal ninyo. Maraming salamat."

Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, mapapanood din si Kylie Padilla sa afternoon prime drama na My Father's Wife, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA.

Balikan ang behind-the-scenes ng 2016 Sang'gres sa bagong yugto ng superserye sa gallery na ito: