
Panibagong hamon para kay Kylie Padilla ang pagiging tricycle driver sa bago niyang project, ang TODA One I Love, kaya naman pinaghahandaan niya ito ng husto.
Aniya, “Marunong na ako [mag motor] pero mag-aaral ako ulit kasi medyo matagal na, [at] para magmukhang natural.”
Nagbigay din ng mensahe ang kasama niya sa show na sina Ruru Madrid, Gladys Reyes at David Licauco. Ang TODA One I Love ay handog ng GMA News and Public Affairs.
Panuorin ang buong report ng Unang Hirit dito:
Abangan ang TODA One I Love sa 2019 sa GMA Telebabad.