
Nagbigay ng pahiwatig si Kylie Padilla sa maaaring pagbalik bilang Amihan sa pagpapatuloy ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre.
Noong Martes (November 28), agad na umani ng mahigit 31,700 likes at 1,400 comments ang post ni Kylie sa Instagram kung saan ipinakita nito ang ilang clips ng kanyang action scenes mula sa Encantadia 2016.
"See you again I guess? sulat ni Kylie.
Pagbati ni Direk Mark Reyes sa post na ito ni Kylie, "Yes see you very soon Hara Amihan!"
Nakatanggap din si Kylie ng komento mula kina Bianca Umali, Glaiza de Castro, at Mikee Quintos.
Sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA, si Bianca Umali ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Ang magmamana naman ng Brilyantes ng Apoy ay si Faith Da Silva, Brilyante ng Tubig si Kelvin Miranda, at Brilyante ng Hangin si Angel Guardian.
Makakasama rin sa Sang'gre sina Glaiza de Castro, na magbabalik bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Rocco Nacino bilang Aquil, Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Bianca Manalo, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE SA GALLERY NA ITO: