
Kasado na ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, at ngayon ay mas matagal siyang mapapanood ng fans.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, nag-spoil si Kylie sa mga aabangan sa kanya sa hit fantaserye at ang kanilang reunion ng kapwa second-gen Sang'gres na sina Glaiza De Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.
"Good news na masasabi ko is 'I'll be staying for a while now, si Amihan," masayang pagbabahagi ng aktres.
Pagpapatuloy niya, "May mga snippets na ngang lumalabas, makikita n'yo po kaming buo sa screen. Alam nating lahat, ako rin, hinintay ko nang napakatagal 'yon. So abangan n'yo po 'yon."
Panoorin ang teaser nang muling pagkikita nina Amihan, Danaya, Pirena, at Alena sa Encantadia rito:
Abangan si Kylie Padilla bilang Amihan soon sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FIGHT SCENES NI AMIHAN SA SANG'GRE DITO: