What's Hot

Kylie Padilla, masaya ang love life pero walang date sa GMA Gala

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 16, 2024 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Pascal Siakam's 36-10 double-double powers Pacers past Bulls
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


"Love department? Masaya naman ako, masaya, masaya," saad ni Kylie kahit mag-isa siyang pupunta sa GMA Gala.

Masaya ang love life ng aktres na si Kylie Padilla pero solo siyang rarampa sa gaganapin na GMA Gala sa Sabado, July 20.

Ayon kay Kylie, ang isusuot niyang gown ay may pahiwatig ng kanyang pagiging Sang'gre.

"It's one of the elements, 'yun na lang. Tinu-tweak ko para bumagay sa theme, but ganun pa rin, baka very mystical pa rin 'yung dating niya," saad ni Kylie sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"Oh, yes, I'm very happy now. I'm very grateful. Love department? Masaya naman ako, masaya, masaya."

Mapapanood na rin si Kylie sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko kung saan gagampanan niya si Hannah, ang ex-wife ni Leon na ginagampanan ni Joem Bascon.

"She's Hannah Rodriguez, may pagka-rebelde rin, I guess. Sumama siya kay Leon, naging KALASAG siya when she was younger," paglalarawan ni Kylie sa kanyang karakter.

"Sobrang giving nila, tsaka ang saya lang na pumasok ako na may na-build na silang relationship with each other, and they were very welcoming for me.

"Nung pumasok ako, wala naman akong naramdaman na weird or na-out ako. Wala, they were super welcoming to me."

Mapapanood ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mayroon din itong delayed telecast sa GTV tuwing 11:25 p.m