
May maikli pero sweet na mensahe si Kapuso actress Kylie Padilla para sa amang si Senator Robin Padilla noong Father's Day.
Sa Instagram, isang larawan ang ibinahagi ng aktres kung saan makikita siyang nakangiti at yakap-yakap ang ama.
Sa kanyang Father's Day greeting, ipinarating ni Kylie ang pagmamahal sa ama. Sulat niya, "I love you. I'll always be daddy's girl. Happy Father's Day [Robin Padilla]."
Si Kylie ay anak ni Robin sa dating asawa na si Liezl Sicangco. Mayroon pa silang tatlong anak na sina Queenie, Zherileen, at Ali.
Samantala, subaybayan si Kylie sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime!
IN PHOTOS: Kylie Padilla's moments with dad Robin Padilla