
Naghahanda na si Kapuso actress Kylie Padilla para sa bagong seryeng pagbibidahan niya.
Nakatakdang bumida ang aktres sa upcoming action series na may working title na Firewall.
Makakasama naman niya rito sina Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, at Buboy Villar.
Kabilang sa mga preparasyon ni Kylie para sa serye ang isang hair makeover.
Ibinahagi ng aktres ang before at after ng kanyang hair transformation sa kanyang Instagram account.
Makikita sa maikling video na ang straight brown hair ni Kylie ay pinakulyan niya ng itim at naging bahagyang wavy.
"hi ISA. #FIREWALL…," sulat niya sa caption ng post kung saan tinukoy niya ang pangalan ng kanyang karakter sa upcoming series.
Kasalukuyang napapanood si Kylie sa hit telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan ni-reprise niya ang role niya bilang Sang'gre Amihan.
Naging busy rin ang aktres kamakailan sa scriptwriting workshop ni National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts Ricky Lee kung saan isa siya sa napiling participants.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI KYLIE PADILLA SA GALLERY NA ITO: