GMA Logo Kylie Padilla
Photo source: 24 Oras, kylienicolepadilla (IG)
What's Hot

Kylie Padilla, mga anak ang nagsisilbing lakas sa gitna ng kaniyang depression

By Karen Juliane Crucillo
Published June 20, 2025 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Aminado si Kylie Padilla na ang kaniyang mga anak ang nagsisilbing lakas niya habang humaharap sa depression.

Para kay Kylie Padilla, walang tatalo sa pagmamahal ng kaniyang mga anak dahil ito ang nagsisilbing lakas niya sa lahat ng kaniyang pinagdadaanan.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, June 19, ikinuwento ng My Father's Wife star ang kaniyang depression.

"It's hard to have depression, while raising two kids, kasi minsan inaatake ako. And nandiyan sila, may kailangan sila. So, kailangan ko isantabi 'yung nararamdaman ko and I don't have a partner to help me," pag-amin ni Kylie.

Ikinuwento din ng aktres na minsan ay palihim na lamang niyang iniiyak ang kaniyang mga pinagdadaanan.

“So, iiyak mo lang. Wala ng ibang sagot, iiyak mo na lang. Ilalabas mo, tago ka sa CR, iyak mo. And then 'pag okay ka na [exhales], isang hinga lang. Yes, 'nak, what do you need? It's my reality," emosyonal na sinabi ni Kylie.

Sa kabila ng hirap na nararamdaman niya, sinabi ni Kylie na itinuturing niyang "reward" ang kaniyang mga anak dahil sa pagiging sobrang maalaga ng mga ito.

Dagdag ng aktres, "They are very empathetic, they know now. They write me letters, ganiyan. Niyayakap nila ako."

Nagsimula ang pagiging magulang ni Kylie noong 2017 nang isilang niya ang kaniyang unang anak na si Alas. Nasundan ito noong 2019 nang ipanganak niya ang pangalawang anak na si Axl.

Mapapanood si Kylie sa upcoming GMA Afternoon Prime Soap na My Father's Wife simula June 23.

Panoorin ang buong balita dito:

Samantala, tingnan naman dito ang iba pang celebrities na nagbahagi ng kanilang depression: