
"That was my childhood."
Ito ang masayang pahayag ni Kylie Padilla pagkatapos niyang kunan ang isang maaksyon na eksena bilang si Hannah sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko.
Dating miyembro kasi ng KALASAG (Kapatiran Laban sa Abusado't Ganid) si Hannah, na siya ring dating asawa ng pinuno nitong si Leon.
Pagpapatuloy ni Kylie, "Actually ngayon lang ako nakapag-shoot ng eksena ko sa KALASAG, but you guys know me naman."
"Noong sinu-shoot namin, parang bumalik ako sa pagkabata kasi 'yung tatay ko, lagi akong sinasama. Aakyat ng bundok? Tara. Magte-train ng baril? Tara, sama kayo, hawak din kayo ng armalite."
Patuloy na panoorin ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
Mayroon din itong delayed telecast tuwing 11:25 p.m. sa GTV.