
Nostalgia ang hatid kay Kylie Padilla ng heroic death ni Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre dahil muli niyang naalala ang pagkamatay ng kanyang karakter na si Amihan sa Encantadia 2016.
Ayon kay Kylie, napanood niya ang pagkamatay ni Terra, na ginagampanan ni Bianca Umali, na piniling isakripisyo ang sarili para hindi mapasakamay ng Bathala ng Kadiliman na si Gargan ang Brilyante ng Lupa.
"Pinanood ko 'yong pagkamatay n'ya. Very similar sa death ni Amihan. Ang ganda ng sacrifice n'ya," sabi ni Kylie sa interview ni Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Samantala, magbabalik si Kylie Padilla bilang Amihan soon sa Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan muli niyang makakasama ang mga kapatid na Sang'gre na sina Glaiza De Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.
Bukod sa reunion ng second-gen Sang'gres ay kaabang-abang din ang fight scenes ni Kylie, na kanya nang ipinasilip sa social media.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FIGHT SCENES NI AMIHAN SA SANG'GRE DITO: