
Ongoing na ang taping para sa upcoming action-drama series na Taskforce Firewall.
Pagbibidahan nito ng Kapuso stars na sina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto, at Buboy Villar.
Iikot ang kuwento nito tungkol sa isang grupo ng law enforcement agents ng lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet sa masamang paraan.
Image Source: kylienicolepadilla (IG)
Bagay na bagay sa seryeng ito si Kylie na bata pa lang ang sumabak na sa iba't ibang uri ng martial arts training.
Hindi naman nagtapos dito ang pagsasananay niya dahil sumabak din si Kylie sa fight training sa ilalim ng Elite Action Design na grupo ng mga fight choreographers at stunt performers bilang paghahanda para sa Taskforce Firewall.
Dahil diyan, very generous din siya sa pagbibigay ng tips sa kanyang co-stars lalo sa pagdating sa mga action scenes nila.
"I like to share, lalo na si Cheska [Fausto] kasi naka-build na kami ng rapport eh. I like to help her when I have a chance," lahad ni Kylie.
Sumailalim din ang grupo sa training para gun handling and safety, pati na practical and tactical shooting bilang paghahanda sa serye.
Ayon kay Miguel, sa ilalim ng Philippine Air Force at Philippine Army sila nagsanay.
Bukod kina Miguel, Kylie, Kyline, Jak at Buboy, bahagi rin ng Taskforce Firewall sina Mark Herras, Cheska Fausto, John Vic de Guzman, at Luis Hontiveros.
Abangan ang Taskforce Firewall, soon on GMA!
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.