GMA Logo Kylie Padilla
What's on TV

Kylie Padilla, nagpapasalamat sa mainit na pagsubaybay ng manonood sa 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published July 12, 2022 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Patuloy na humahataw sa ratings ang pinagbibidahang sports series ni Kylie Padilla, ang 'Bolera.'

Labis ang pasasalamat ni Kylie Padilla sa mainit na suportang natatanggap para sa pinagbibidahang Kapuso serye na Bolera.

Ikapitong linggo na ngayon ng Bolera at patuloy pa rin ito sa paghataw sa ratings. Noong Biyernes, July 8, nakapagtala ang sports series ng pinakamataas na ratings na pumalo sa 15.3 percent base sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines. Nakakuha naman ang episode kahapon, July 11, ng ratings na 14.2 percent.

Sa episodes na ito, napanood ang kapana-panabik na laban ni Joni sa billiards legend na si White Lotus (Ina Raymundo) kung saan nakuha niya ang unang tropeo sa billiards.

Sa Instagram, ipinarating ni Kylie ang pasasalamat sa Kapuso viewers. Aniya, "OMG. Salamat sa lahat sa suporta!"

Isang post na ibinahagi ni kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

Patuloy na subaybayan si Kylie bilang si Joni at ang marami pang exciting na mga pangyayari sa kanyang buhay.

Huwag palampasin ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang behind the scenes ni Ina Raymundo sa Bolera bilang White Lotus sa gallery na ito: