What's Hot

Kylie Padilla, nahirapan tumingin sa kanyang amang si Robin Padilla dahil sa malungkot na pinagdadaanan nito

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 15, 2020 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"Siyempre hindi siya okay. Ang mabibigay na lang namin ng mga kapatid ko ay support." - Kylie 
By BEA RODRIGUEZ
 
Kung may kapangyarihan lang raw ang Kapuso star na si Kylie Padilla laban sa sitwasyon ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ay gagawa siya ng paraan. Ngunit sa ngayon, ang maaari niya lamang gawin ay ipakita ang kanyang pagmamahal at suporta.
 
READ: Mariel Rodriguez suffers another miscarriage, loses triplets 
 
Ayon sa ekslusibong panayam ng Startalk sa aktres, lubos na ikinalulungkot ng kanyang ama ang pangalawang pagkawala ng kanilang mga magiging anak.
 
“Siyempre hindi siya okay. Ang mabibigay na lang namin ng mga kapatid ko ay support at sana alam ni Papa na andito lang kami para sa kanya. Ang dami ring sinacrifice ni Papa para sa baby and wala akong power [na] baguhin ‘yung sitwasyon eh so ‘yun na lang, love and support na lang at saka nakita ko kung gaano kagusto ni Tita Mariel na magka-baby,” pagbahagi ng Buena Familia star.
 
Hindi pa raw nagsasalita ang kanyang amang si Robin at hindi rin nagtatanong ang mestiza beauty, “Niyakap ko lang siya nang matagal [dahil] hindi ako masalita na tao eh. Paparamdam ko na lang sa ‘yo. Hirap ngang tumingin sa kanya kasi ang lungkot niya eh.”