GMA Logo Kylie Padilla and sons
Photo source: @kylienicolepadilla
Celebrity Life

Kylie Padilla nais maging mas mabuting ina sa dalawang anak

By Ron Lim
Published October 13, 2024 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and sons


Ayon kay Kylie Padilla, marami pa siyang kailangan matutunan para maging mas mabuting magulang.

Nais iwaksi ng celebrity mom na si Kylie Padilla ang toxic masculinity pagdating sa pagpapalaki ng kanyang dalawang anak na lalaki.

Isa sa pinakabagong post ni Kylie sa kanyang official Instagram account ay nagpapakita sa kanyang hawak-hawak ang librong How To Raise A Boy: The Power of Connection to Build Good Men ng manunulat na si Michael C. Reichert. Inilathala ito noong 2020 at nagsisilbing gabay sa mga magulang kung paano magpalaki ng mga batang lalaki upang maging “confident, accomplished and kind men.”

Sa caption ni Kylie, inamin niya na siya mismo ay merong “deeply rooted toxic beliefs on masculinity” at kailangan niya itong iwaksi kung nasi niyang maging mas mabuting ina sa kanyang dalawang anak na sila Alas at Axl. Inamin din niya na hindi niya mapapalaki nang maayos ang kanyang mga anak na lalaki kung meron pang nananatiling resentment sa kanyang puso sa mga lalaki.

Ayon sa kanya, ang librong ito ay nagbigay sa kanya ng oportunidad na tingnan ang kanyang parenting style at maintindihan kung bakit naging ganon ang kinalabasan ng iba't ibang lalaki sa kanyang buhay.

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)


Related gallery: Kylie Padilla spends QT with sons Alas and Axl

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita tungkol sa kanyang dalawang anak at sa pagpapalaki ng mga ito. Noong nakaraang Hulyo sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Kylie na co-parent niya ang dating partner na si Aljur Abrenica.

“Aljur and I co-parent. Everytime na kukunin niya 'yung mga bata, we talk. If may bagong ugali 'yung mga anak namin na sa tingin ko kailangan niyang pagsabihan or to guide them. Same with him. Batuhan lang kami and we try to make it as consistent as possible,” paliwang niya.

Related gallery: Kylie Padilla reveals new relationship and new role

Ang pagbasa ni Kylie ng libro na How To Raise A Boy: The Power of Connection to Build Good Men ay parte rin ng patuloy na pagpapabuti ni Kylie nang kanyang sarili. Noong 2022 sa kanyang ika-29 na kaarawan, nag-post ng selfie si Kylie sa kanyang Instagram account at isinulat sa caption na ginagawa niya ang lahat para sa kanyang dalawang anak dahil maaari silang matuto mula sa kanya.