
Fan favorite ang karakter ni Kapuso actress Kylie Padilla sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Gumaganap siya dito bilang Isa, ang astig na hepe ng cybercrime team.
Sa kasalukuyang takbo ng kuwento, paulit-ulit siyang pinagtataksilan ng kanyang asawa at ang mga lihim nito ang nagiging sanhi ng tensyon sa pagitan nila.
Lubos na hinangaan ang isang eksena kung saan tahimik na nag-apologize sa isa't isa ang kanilang mga karakter.
Mapapanood dito na sabay silang kumain ng hapunan matapos ang ilang araw na hindi pag-uusap at pagkikita.
Ayon kay Kylie, nakaka-relate daw siya sa marital woes ng kanyang karakter.
"One take lang 'yun (eksena). I've been married so nage-gets ko si Isa. Kasi si Isa, matapang na babae pero pagdating sa asawa niya, parang 'yun 'yung weakness niya. Hindi niya kayang awayin. Minsan wala ka nang masabi, (buntung hininga) na lang," lahad niya tungkol sa eksena nila ni Luis Hontiveros.
Panoorin ang pag-aayos nina Isa (Kylie Padilla) at Martin (Luis Hontiveros) dito:
Patuloy na panoorin si Kylie Padilla sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin din ang buong ulit ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.