
Matapos makasama ang Zamboangueños noong June 25, sunod namang binisita ni Kylie Padilla ang mga tagahangang Davaoeños at nagbigay kasiyahan sa naganap na Kapuso Fans Day ng GMA Regional TV noong July 9 sa Ayala Abreeza Malls Davao.
Ayon kay Kylie, bago pa man siya maging isang aktres ay pinangarap na niyang maging isang mang-aawit. Kaya naman "dream come true" para sa Bolera actress ang marinig na sinasabayan siyang kumanta ng mga tagahanga.
"To hear you guys sing Zombie with me really made my heart sore huhuhu. Thank you for making my 'concert' dreams come true Davao," sulat ni Kylie.
Nakasama rin ni Kylie sa pagbibigay kasiyahan ang XOXO member na si Mel Caluag.
Subaybayan si Kylie bilang Joni sa sports drama series na Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang cast ng Bolera sa gallery na ito: