
Para sa mga Encantadiks na nabitin sa mga eksena ng OG Encantadia characters sa Devas (katumbas ng langit), ini-reveal ni Kylie Padilla ang ilan sa mga aabangan sa kuwento ng mga nasa Devas kabilang na ang karakter niyang si Amihan.
Noong Biyernes (August 1), ipinakita na ang Devas kung saan naroroon pa rin ang hindi matahimik na mga ivtre (kaluluwa) nina Amihan, Ybrahim (Ruru Madrid), Cassandra (Michelle Dee), Lira (Mikee Quintos), Mira (Kate Valdez), Aquil (Rocco Nacino), at Gaiea (Cassy Lavarias).
Sa interview ng 24 Oras, sinabi ni Kylie na patuloy pa silang mapapanood sa Sang'gre.
"Mapapanood pa nila kami," ani Kylie. "And, what I hear is maganda ang twist sa story ng Devas ng mga nasa Devas."
Nagbigay rin si Kylie ng hint sa mangyayari pa kay Amihan. Sabi niya, "Kilala na natin si Amihan, she makes her own destiny. Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Amihan para sa mga nasa Devas, at ni Ybrahim syempre."
Subaybayan si Kylie bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG 'SANG'GRE' CAST SA GALLERY NA ITO: