
Nang kumpirmahin ni Robin Padilla ang tungkol sa paghihiwalay ng anak niyang si Kylie Padilla at aktor na si Aljur Abrenica, maraming fans ang nagbalik-tanaw sa kinahinatnan noon ng showbiz career ng aktres noon matapos piliin ang huli.
Matatandaan na noong 2017 nasa kalagitnaan ng pagganap bilang Amihan si Kylie sa requel ng hit fantasy series na Encantadia nang mapabalitang ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ni Aljur.
Dahil dito, hindi na umabot sa pagtatapos ng serye si Kylie dahil pinatay ang karakter niyang si Amihan.
Kaugnay nito, humingi ng paumanhin noon ang aktres sa fans, pati na sa cast and crew ng programa, dahil sa biglaang pag-alis niya sa teleserye dahil sa kanyang pagbubuntis.
Sa pamamagitan ng kanyang blog, sinabi ni Kylie, "Unplanned pregnancy is not something you shout from the top of a mountain once you've reached the summit and at 23, under contract, I sadly could not celebrate the discovery as I much as I would have liked to. But I would have you know, the kid is still a blessing."
Dagdag pa niya, "I want to express my most sincere apologies to everyone for everything that happened because of this. I know many people were disappointed. I promise to make it up to you after my kid is strong enough to carry himself.
"Sorry to the whole team and the followers of Encantadia. I know how much you love Amihan and the show, I know how much you wanted to see more of her. I know because I too feel the same. To the Encantadia cast and crew, I appreciate so much the care you took in those last couple taping days. Thank you for everything you did for me and what you continue to do for Amihan's character on the show. We, all Amihan admirers want to see her happy."
Sa exclusive interview ni Jessica Soho kay Kylie, na umere sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong Linggo, October 24, tinanong ang aktres kung may panghihinayang siya sa naging desisyon niya noon ngayong hiwalay na sila ni Aljur.
Ngumiti ang celebrity mom at sinabi, "Wala kasi si Alas yung nasa tiyan ko nun, e. I wanted to be a mom."
Para kay Kylie, ito rin ang maituturing niyang pinakamagandang pangyayari sa relasyon nila ng kanyang estranged husband.
Aniya, "Alam mo we we're so good during that time. Sobrang, yun yung pinaka the best times ng relationship namin. Kasi we've been together for 10 years na, married for 3. Pero nun, yung mga time na yun, inalagaan niya talaga ako. Na-appreciate ko siya as a husband and as a person lalo na during those days."
Sa ngayon, sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari sa relasyon nila, pinipili raw maging matatag ni Kylie para sa kanilang mga anak na sina Alas Joaquin, 4, at Axl Romeo, 1.
Sabi ng aktres, "Kung hahayaan ko na maapektuhan ako sa mga sinasabi nila, hindi ko mapapalaki yung mga anak ko ng sane ako. And ayokong makita nila yun. Kaya nga, gaya ng sinabi ko kanina, humuhugot talaga ako sa kanila. Kailangan makita nila na 'Kaya ng mom ko, kaya ko rin!'"
Kung maaari, nais din ni Kylie na mapanatili ang pagkakaibigan nila ni Aljur para sa kanilang mga anak.
Paliwanag niya, “Iniisip ko pa rin yung relationship namin as friends eh. We have kids. We need to co-parent and ayokong maranasan nila na toxic yung parents nila kahit hiwalay na. Kung masa-save ko pa sana yung friendship namin, ta's tuwing magkikita kami para kunin yung mga bata, okay kami.
"Ayokong tuluyang sirain ko siya o magbatuhan kami. Hindi yun yung gusto kong mangyari. 'Tsaka hanggang ngayon, kahit tanungin ako ng mga tao, I still want him to be happy. Sana talaga we move forward from this and we both end up happy.
“Ayoko na ng toxic. Pinagdaanan ko na yun when I was younger, alam ko yung pakiramdam. Gusto kong protektahan yung mga anak ko sa ganung set up."
Kaya naman sa huli, ang pakiusap ni Kylie kay Aljur, "Huwag nating kalimutan to be parents sa mga anak natin and sana ma-save pa natin yung friendship after this. And kung gusto nating mag-away, whatever, let's do it in the right place. 'Wag na sa public. Yun lang ang hinihingi ko, please.”
Panoorin ang kabuuan ng exclusive interview kay Kylie sa Kapuso Mo, Jessica Soho:
Samantala, balikan ang kasal nina Kylie at Aljur sa gallery na ito: