
Ipapalabas na ngayong February 18 ang pelikulang The Lotto Winner na pagbibidahan nina Kylie Padilla, Albert Martinez, at child star Sienna Stevens.
Nitong Martes, February 10, ay isinagawa ang premiere night ng pelikula sa Cinema 3 ng The Block, SM North kung saan dumalo sina Kylie, Albert, at Sienna. Kasama rin nila ang ilang co-stars tulad nina Robert Seña, Daniela Stranner, Karina Bautista, at Randy Villarama.
Naroon din ang direktor nilang si RC Delos Reyes.
Nagsalita rin ang mga bida ng pelikula bago pa magsimula ang mismong premiere at nag-imbita na panoorin ang kanilang pelikula. Nagpasalamat si Kylie sa mga nagpunta at nagpakita ng suporta sa kanilang premiere night, ngunit nagbabala na sana ay maraming dalang tissue ang mga manonood.
“Sana nagdala kayo ng tissue kasi nakakaiyak po talaga 'yung kuwento. But sana, like me, nu'ng ginawa ko itong pelikulang ito, may na-heal po sa puso ko when I made this movie. And sana ganu'n rin ang effect sa inyo,” sabi ng aktres.
Nagpaalala naman si Albert na mag-post at share ng mga litrato at video sa social media para mas marami pang makaalam ng tungkol sa kanilang pelikula.
“Maraming salamat po sa inyong lahat, and I hope you enjoy the film,” sabi ni Albert.
Ayon kay Sienna, maganda talaga ang kanilang pelikula at sinabing pang pamilyang Pilipino ito.
“Maganda po talaga 'yung story, para sa pamilyang Pilipino, especially sa mga OFW, 'yung mga nanay at tatay sa abroad,” pagbabahagi ni Sienna.
Samanta, pinasalamatan naman ni Robert ang lahat ng nagpunta sa kanilang premiere night at ipinangakong napakaganda ng kuwento ng kanilang pelikula.
“Well, tearjerker talaga siya, napakahusay especially ng ating mga aktors,” ani Robert.
Pinasalamatan din ni Direk RC ang lahat ng nagpunta sa kanilang premiere night at hiniling na sana ay suportahan ang kanilang pelikula.
TINGNAN KUNG PAPAANO NA-ENJOY NI SIENNA ANG TAPING NIYA KASAMA SINA KYLIE AT ALBERT SA GALLERY NA ITO: