
Mas matindi pa sa dalang hagupit ng Brilyante ng Hangin ang magiging revelations ng Sangˈgre star na si Kylie Padilla sa pagsabak niya sa session ng Your Honor na 'In Aid of Co-Parenting: It's Complicated!'
Sa Sabado ng gabi (December 13), magsasalita si Kylie tungkol sa dating niyang partner na si Aljur Abrenica at kay AJ Raval.
Kamakailan lang ay umamin si AJ na may tatlo siyang anak kay Aljur na sina Aikena, Junior, at Abraham.
Samantala, anak naman niya kay Kylie sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Nang humarap si Kylie sa House of Honorables, nagkuwento ang Kapuso actress kung paano makitungo si AJ sa kanyang two boys.
“Super welcoming niya sa mga anak ko, kasi nga, nanay din siya 'di ba?
“Naririnig ko nga lagi sila nagyayakapan, naglalambingan din. E gusto ko 'yun kasi, the more love my kids can get from people who love them authentically, go!”
Binigyan-diin niya na maayos ang 'co-parenting' setup nila ni Aljur kahit hiwalay na sila.
Aniya, “Okay naman na tao si Aljur, kami lang 'yung nag-fail. Pero 'yung relationship nila, dapat solid pa rin 'yun. Ipaparamdam ko sa kanila na there's no change [Alas and Axi]. He is still your father.”
Tutukan ang sit-down interview ni Kylie Padilla sa Your Honor ngayong December 13, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube Channel.
RELATED CONTENT: FIERCE PHOTOS OF KYLIE PADILLA