GMA Logo Kylie Padilla
Celebrity Life

Kylie Padilla receives flowers and cake on Valentine's Day

By Jerrold Subire
Published February 15, 2024 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


May nag-'I love you' sa Kapuso star na si Kylie Padilla noong Valentine's Day.

Nakatanggap ng bulaklak at cake ang Kapuso star na si Kylie Padilla noong Araw ng mga Puso kahapon, February 14.

Ibinida niya ito sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang posibleng tawagan nila ng kanyang special someone na nakasulat sa cake. Sulat dito, "I...LOVE YOU SQUIRTLE."

"Who likes pokemon?" naman ang simpleng caption ni Kylie na may reference sa character ng video game series na Pokémon na si Squirtle.

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)

Tikom pa rin ang bibig ni Kylie kung sino ang nagpapatibok sa puso niya ngayon pero na-spot-an siya sa isang mall na may kasamang lalaki na may mahabang buhok.

Sa isang TikTok video ng celebrity fitness coach na si Francis Simon, kinumpirma naman ng aktres na ang mystery guy ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

Hindi nabanggit ni Kylie kung ano ang pangalan ng lalaki pero may ilang netizens na nagsasabi na ito ay ang tattoo artist na si Jinno John Simon.

A post shared by Francis Simon (@fjtsimon)

Samantala, mapapanood si Kylie sa inaabangang GMA series na Encantadia Chronicles: Sang'gre, na continuation ng iconic telefantasya na Encantadia.

Muli niyang gagampanan ang papel bilang Amihan sa serye.