
Si Kapuso actress Kylie Padilla ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Gaganap siya bilang Mabel, isang prostitute sa episode na "From Hooker to Housekeeper."
Sa murang edad, makakaranas ng pangmomolestiya at iba pang uri ng sexual violence ni Mabel.
Kulang din siya sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga magulang kaya malilihis siya ng landas.
Magiging isang prostitute si Mabel at malululong pa sa droga. Kalaunan, magiging drug pusher at trafficker na rin siya.
Paano maitutuwid ni Mabel ang kanyang buhay?
"Medyo malalim 'yung pain na pinanggagalingan ni Mabel but in the end, natuto rin siyang magpatawad," lahad ni Kylie tungkol sa episode.
Kapupulutan daw ng aral ang kuwento ni Mabel kaya hinihikayat ni Kylie na tunghayan ito ng mga manonood.
"Hello po, mga Kapuso! Ako po si Kylie Padilla and iniimbitahan ko po kayong manood ng 'From Hooker to Housekeeper.' Sa Sabado na po 'yan 8:15 p.m. sa GMA," aniya.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "From Hooker to Housekeeper," March 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.