GMA Logo Kylie Padilla
What's Hot

Kylie Padilla sa mas sexy na role: 'Yes, I'm ready. If it calls for it, ready naman'

By Aimee Anoc
Published November 27, 2022 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Kabilang si Kylie Padilla sa upcoming 'mega serye' ng GMA!

May bagong action-series na pinaghahandaan si Kapuso actress Kylie Padilla kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Arra San Agustin, Michelle Dee, at Rochelle Pangilinan.

Pero bukod sa palaban na karakter, handa rin kaya si Kylie sa mas sexy at daring na role?

"Kaya naman ako nag-artista para maging ibang tao e. I mean, hindi naman dahil sa fame kaya gusto kong maging isang artista," sabi ni Kylie sa interview ng GMANetwork.com.

Dagda niya, "Sinabi ko rin 'yun sa mga manager ko, sa mga handler ko, 'Try naman natin 'yung mga character na kakaiba kasi gusto kong tumalon, gusto kong magbago bilang isang tao, and matuto sa mga character na 'yun.

"Yes, I'm ready. If it calls for it, ready naman. Pero hindi naman dahil sa gusto kong mag-daring. Depende sa character talaga. Kung kailangan sa character na 'yun bigyan natin ng justice."

Bukod sa upcoming series sa GMA, may bagong pelikulang tinitignan si Kylie na pinag-uusapan pa ngayon.

Noong May 2022, napanood si Kylie sa kauna-unahang sports drama series ng GMA, ang Bolera, kung saan gumanap siya bilang Joni, isang billiard prodigy.

TIGNAN ANG CHIC FASHION STYLE NI KYLIE PADILLA SA GALLERY NA ITO: