
Ipinarating ni dating Encantadia star Kylie Padilla ang pagmamahal nito para sa ina na si Liezl Sicangco sa ibinahaging maikling mensahe sa Instagram.
Pinasalamatan ni Kylie ang ina sa lahat ng sakripisyo nito para sa kanila at ibinahagi rin ang selfie photo nilang dalawa.
"Wala lang. I just want you to know how much I appreciate you ma. All your sacrifices. Thank you for all of it," pasasalamat ni Kylie.
"I love you nanay. I love you. I love you," dagdag pa ng aktres.
Marami naman ang nagpaabot ng suporta kay Kylie sa Instagram tulad na lamang ni @asnairafriendly, "Stay strong idol Kylie, nariyan pa rin ang mommy mo na nagmamahal sa 'yo."
"Mothers are the strongest people in the world," pagsuporta naman ni mjbgtsmglnt.
"You're beautiful and strong. To have a peace of mind is the recipe for happiness," pagbabahagi ni @omniesuperb.
"Despite all struggles. Mothers are the strongest of all. Stay strong our Amihan. Brighter lights are coming soon," mensahe naman ni @aiveychyster
Samantala, noong July 8, ginulat ni Kylie ang publiko nang kumpirmahin nito na hiwalay na sila ni Aljur Abrenica, matapos na ito ay ibunyag ni Robin Padilla sa interview kay Ogie Diaz.
Ikinasal sina Kylie at Aljur noong December 2018 at ngayon ay mayroon ng dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Balikan ang kanilang quarantined life sa gallery na ito: