What's Hot

Kylie Padilla, 'single by choice' muna para sa mga anak

By Kristine Kang
Published February 12, 2026 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SB19 announces ticket prices, selling dates for 'Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale'
Philtranco to cease operations after more than 100 years
7 Chinese nabbed for alleged illegal mining in Bukidnon

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla, Alas and Axl


Focus muna raw si Kylie Padilla sa kanyang career at sa pagiging ina nina Alas at Axl.

Papalapit na ang matamis na selebrasyon ng Valentine's Day!

Kaya naman ang ilang celebrities ay abala at inaabangan ang Araw ng mga Puso kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ngunit may ilan ding netizens ang nais malaman kung ano ang status ng ilang Kapuso stars ngayong papalapit ang February 14.

Isa na rito ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Kylie Padilla.

Bagama't busy siya sa trabaho at sa pag-aalaga ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl, nais pa ring malaman ng ilang fans kung masaya ba ang kanyang puso ngayong Valentine's Day.

Sa isang panayam sa GMA Integrated News, inamin ng aktres na single by choice muna siya.

Dagdag pa niya, " 'Di naman ako tatanggi sa bulaklak if ever man meron magpadala. Pero alam naman ng mga manliligaw ko eh na 'di pa ako ready."

Ibinahagi rin ni Kylie na nais muna niyang tutukan ang kanyang mga anak. Aniya, “Kailangan ko bumawi.”

Sa kanyang panayam noon sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi rin ng Kapuso star na “happily single” siya ngayon.

Maayos din ang kanyang co-parenting setup kasama ang dating asawa na si Aljur Abrenica. Ayon sa aktres, maayos din ang kanyang samahan kay Aljur at sa kasalukuyang partner nitong si AJ Raval.

Samantala, abangan ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa GMA superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Balikan ang sweet moments nina Kylie Padilla at ang kanyang mga anak sa gallery na ito: