GMA Logo Kylie Padilla
What's on TV

Kylie Padilla, tanggap pa rin si Aljur Abrenica bilang ama ng kanyang mga anak

By Jimboy Napoles
Published November 4, 2023 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Raps filed vs violators of firecracker ban in Davao City
GOCC healthcare workers call for release of 2025, 2026 medical allowances
Check out this blush that also works as a skincare

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Kylie Padilla sa naging relasyon kay Aljur Abrenica: 'I wish nagtira ako para sa sarili ko'

Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres na si Kylie Padilla nang mapag-usapan nila ni Boy Abunda ang naging relasyon niya sa aktor at dating asawa na si Aljur Abrenica.

Sa pagbisita ni Kylie sa Fast Talk with Boy Abunda, malalim ang naging usapan nila ni Boy tungkol sa pag-ibig hanggang sa magtanong ang TV host, “Kylie, ako may tanong. Ito'y diretso mula sa aking puso, ano ang pinaka-importanteng leksyon ang natutunan mo sa naging relasyon mo kay Aljur?”

Saglit na natahimik si Kylie at sinabing, “Medyo cliché, e, but I wish nagtira ako para sa sarili ko. Yes. Kasi, I gave my all talaga.”

Kuwento ni Kylie, dumaan na sila noon ni Aljur sa mga pagsubok pero tiniis niya lamang ito para sa kanilang mga anak.

Aniya, “For a time sa relationship namin pagdadaanan niyo talaga as people in relationships will go through, you know, struggles.

“But because I made the promise of marriage, even if sabi ko sa sarili ko, 'Okay, if I'm unhappy now, and magiging ganito na 'yung set up namin, paglalaban ko pa rin para sa mga anak ko.'”

“Oh my, God. [Hikbi] Inubos ko and nauwi din sa hiwalayan,” maluha-luhang sinabi ng aktres.

Ayon pa kay Kylie, ayaw niyang magkaroon ng broken family ang kanyang mga anak kung kaya't inilaban niya pa noon ang relasyon nila ni Aljur.

RELATED GALLERY: Kylie Padilla's sweet moments with her kids Alas Joaquin and Axl Romeo as seen in this photos

Nasasaktan din umano ang aktres sa komento ng mga tao na ang tingin sa mga artista ay madali lang magpalit ng karelasyon.

“Galing ako sa broken family. So, ayokong matulad, like, I hate it when people say, 'Artista 'yan. Palit-palit lang, like, that's their life. Like, 'Ganun talaga 'yung style ng mga artista when it comes to relationships.' But people don't know how much it hurt me. And that's unfair. It's very unfair and I wanted more for my kids talaga,” ani Kylie.

Paglalahad pa ng aktres sa kanyang mga pinagdaanan, “I made a promise talaga to myself, e. Kahit na I went through postpartum nun and postpartum was very hard. It's a very difficult thing for a woman to go through, pero pinaglaban ko pa rin hanggang sa dulo na paninindigan ko 'yung ginawa namin na kasal. And, the fact na it wasn't returned, masakit sa'kin.”

“What I'm hearing is that sobrang halaga sa 'yo ng the promise of marriage,” sabi ni Boy kay Kylie.

Ayon kay Kylie, noong una ay hindi siya naniniwala sa kasal, pero para sa kanyang mga anak ay ginawa niya ito.

Aniya, “Yes! Because, Tito Boy, sa totoo lang, I don't believe in marriage. I don't. But because I want my kids to have a whole family, I did it. I did it because gusto ko maranasan nila 'yun, 'yung buo 'yun.”

Tanong naman ni Boy kay Kylie, “When you look back on the fight that you waged to be able to keep the relationship, the marriage, may pagsisisi?”

“Walang pagsisisi,” sagot ni Kylie.

Paliwanag niya, “Wala. Kasi my kids have a really good relationship with their dad until now.

And one thing that I don't want them to go through is wala silang tatay or maramdaman nila na wala silang tatay. So, wala akong pagsisisi.”

“Pero, Kylie, itong mga nangyari sa buhay mo, and I'm not just talking about AJ. Uhm, hindi ka naman cynical about falling in love again?” muling tanong ni Boy.

Tugon naman ng aktres, “No. I tried to work on my heart na hindi maging cynical. I don't want to end in a place where I'm cynical.”

Noong July 2021 kinumpirma ni Robin Padilla ang naging hiwalayan ng anak na si Kylie at ni Aljur. Sina Aljur at Kylie ay ikinasal noong 2018 at mayroong anak na sina Alas at Axl.

February 14, 2023 naman kasabay ng araw ng mga puso, isinapubliko nina Aljur at sexy actress na si AJ Raval ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng Instagram post ng young actress ng isang sweet photo nila ng una.

Samantala, simula November 6, muli namang mapapanood si Kylie sa bagong action series ng GMA na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.