
Tila tuloy na tuloy na ang pagbabalik ni Sang'gre Amihan Kylie Padilla sa hit drama fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa Instagram, nag-post si Kylie ng reel kung saan makikita sa litrato ang bota na suot niya bilang si Amihan. Kita rin sa litrato ang laylayan ng kaniyang damit na tila para sa isang fantaserye.
Sulat ni Kylie sa text ng photo, “Look familiar?”
Bumida si Kylie sa 2016 na bersyon ng serye bilang si Sang'gre Amihan. Kasama niya rito sina Gabbi Garcia bilang si Alena, Glaiza de Castro bilang is Pirena, at si Sanya Lopez bilang si Danaya.
Sa pagpasok ng bagong mga Sang'gre sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, muling napanood si Kylie bilang si Amihan, ngunit sa mundo na ng mga Devas.
Matatandaan din na noong June 2025 ay nagbahagi si Kylie ng isang eksena mula sa serye kung saan nakasama niya ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng Hangin, si Sang'gre Deia na ginagampanan ni Angel Guardian.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES MULA SA MGA LENTE NI MIKEE QUINTOS SA GALLERY NA ITO: