
May pasilip si Kylie Padilla sa isa sa mga eksenang dapat abangan ngayong paparating na linggo sa Taskforce Firewall.
Dalawang photos ang in-upload ni Kylie sa kanyang Instagram, kung saan makikitang kasama niya ang isa sa co-stars niya sa serye na si Cheska Fausto.
Sulat ng Kapuso actress sa caption, “Among the other things na aabangan next week.”
“I actually adore this baby girl,” paglalarawan naman ni Kylie kay Cheska.
Si Kylie ay napapanood sa ongoing GMA series bilang si Isa Cervantes habang si Cheska naman ay kilala rito bilang si Leila Aragon.
Related gallery: Meet the heroes of Taskforce Firewall
Subaybayan ang mga karakter at upcoming scenes nina Kylie at Cheska sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.