
Sino nga ba ang mystery guy na namataang kasama ni Kylie Padilla sa isang mall?
Sa TikTok video na ibinahagi ng celebrity fitness coach na si Francis Simon kung saan makikitang kasama niya si Kylie, tinanong nito ang aktres tungkol sa mystery guy na nakitang kasama nito sa mall na may mahabang buhok at nakaputing t-shirt.
"Nagkakagulo ang lahat, nagtatalo sila e. Sino ba 'yung kasama mo sa mall, 'yung nakaputi?" tanong ni Francis.
"Ay, 'yon ba?" agad na reaksyon ni Kylie.
"'Yung nagpapasaya sa puso ko. 'Yun 'yon," nakangiting sagot ng aktres.
Nang tanungin ni Francis kung kilala niya ba ang guy na ito, natatawang sagot ni Kylie, "Ay, parang kilala mo, kuya. Parang kamukha mo nga e."
@fjtsimonthemafia Ano daw @Kylie Padilla 🐍 ♬ original sound - fjtsimon
Wala mang nabanggit na pangalan sina Kylie at Francis, may ilang netizens na nagsasabi na ang mystery guy na ito ay ang tattoo artist na si Jinno John Simon.
Matatandaang July 2021 nang kumpirmahin ni Kylie na hiwalay na sila ng ex-husband na si Aljur Abrenica.
TINGNANG ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA KYLIE PADILLA AT ALJUR ABRENICA SA GALLERY NA ITO: