What's Hot

Kylie Padilla, umaming nagkikita sila muli ng ex-BF na si Aljur Abrenica

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 2, 2020 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Muli na ba silang nagkabalikan? 
By ANN CHARMAINE AQUINO
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sa Chan Lim’s Chinese Painting Exhibit ipinakita ni Kylie Padilla ang kanyang talent sa painting at dito napaamin siya na muli na silang nagkikita ng kanyang ex-boyfriend na si Aljur Abrenica.
 
Kuwento ni Kylie, hindi naman sila nagkabalikan ni Aljur pero friends na umano sila.
 
"Friends lang, ewan ko, ewan ko," matipid na pahayag ni Kylie.
 
Bukod dito, inamin din ni Kylie na paminsan-minsan ay nagkikita sila ni Aljur. Pero wala pang sagot ang dalaga nang tinanong siya patungkol sa posibilidad ng balikan. Aniya, "'Di ko talaga alam eh, wala eh. 'Di ko iniisip 'yun. Basta kaibigan ko siya. Nagkikita kami."
 
Itinanong din kay Kylie kung handa na siya sa pakikipagrelasyong muli.
 
"Wala rin eh. Hindi ganoon eh. Basta naramdaman ko lang na parang hindi. Dapat hindi. Hindi ko masyadong binibigyan ng time ‘yan."
 
Naging matipid rin si Kylie sa pagsagot patungkol sa kanyang nararamdaman sa tuwing magkikita sila ni Aljur.
 
"Hindi ko alam. Basta 'yun na 'yun. Hindi ko talaga... wala," pahayag ni Kylie.
 
Dagdag niya, "Basta wala. Kasi ako 'di ba, madaldal naman ako kapag ano. Ngayon, steady lang."
 
Ibinahagi ni Kylie na hinahayaan lang din siya umano ng kanyang ama na si Robin Padilla sa pagde-decide dito. Bukod dito, inamin din ni Kylie na iba na ang priorities niya ngayon sa kanyang buhay.
 
"Iba na rin kasi gusto ko eh. Gusto ko mas mag-travel, mas maraming friends. Ayoko munang mag-focus sa love life. Kaya kung ano 'yung sinabi kong 'yun, 'yun na lang talaga 'yun. Nagma-mature na tayo e."
 
"Kasi 'pag in-love ka, siyempre hindi ka naka-focus. Enjoy life muna," saad ni Kylie.