
Hindi maipagkakaila na isa si Kylie Padilla sa mga hinahangaang aktres ngayon sa larangan ng action. Bukod kasi sa mga action series niya tulad ng Encantadia at Mga Lihim ni Urduja kung saan ipinamalas niya ang galing sa genre, ay nagtraining din siya sa martial arts hiwalay sa kaniyang mga roles.
Sa Fast Talk with Boy Abunda episode nitong Martes, Hulyo 16, ipinaalam ni Boy Abunda na base sa ginagawang workouts ni Kylie at sa mga action series na ginawa niya ay tinatahak na ng aktres ang pagiging isang action star.
Sagot naman ni Kylie Padilla, “Akala ko din. 'Yun talaga 'yung vision ko sa sarili ko.”
Kuwento pa ng aktres ay tumigil pa siya noon sa pag-aaral para mag-training sa Thailand ng tatlo hanggang anim na buwan ng tinatawag niyang “warrior's training.”
“As in gising ka ng 7 a.m., training ng two hours, sleep uli, then 3 p.m., gising ka uli, two hours ulit training, tapos puro martial arts,” sabi niya.
Nang tanungin siya ng batikang host kung ano ang nangyari sa kaniyang vision, naging direkta ang sagot ni Kylie, “Nabuntis ako.”
Pero aniya, nagamit pa rin naman niya ang kaniyang skills sa role niya bilang Sang'gre Amihan sa Encantadia.
“Si Amihan 'di ba? Warrior siya so ginamit ko pa rin. After the warrior training, you know. Pero ang maganda kasi sa Amihan, na-open din ako sa idea ng womanhood. Kasi I was very masculine, I was very masculine kasi lumaki ako talagang parang lalaki because of my dad,” sabi niya.
Pagpapatuloy niya, “We share everything he (Robin Padilla) loves with us; video games, martial arts, atsaka hinubog niya kami na maging strong woman, his idea of a strong woman, and then Amihan.”
Pag-amin ni Kylie ay iyon din ang tingin niyang paraan para maging close umano sa amang si Robin Padilla, at ikinuwento ang pag-hike nila sa King's Canyon sa Australia.
Pag-alala niya, “That was the only way I could please my Dad, na 'Kapag inakyat ko itong bundok na 'to, matutuwa siya sa'kin.' Ginawa ko, I was the youngest to climb King's Canyon in Australia. We hiked the whole canyon.”
“And then, sinabi nga sa kaniya nu'ng guide namin, 'Did you know she's the youngest to ever climb?' And I saw my Dad, sobrang tuwa niya. 'Really? Anak, narinig mo 'yun?' Oh, natutuwa siya sa'kin. So 'yun 'yung parang push sa sarili ko,” sabi niya.
RELATED CONTENT: BALIKAN ANG ILANG FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA KYLIE AT ROBIN SA GALLERY NA ITO:
Hindi rin maipagkakaila na isa si Robin sa mga pinakahinahangaan noon na artista. At dahil parehas na landas rin ang tinatahak ng mag-ama sa showbiz, hindi malayong maikumpara si Kylie sa kaniyang ama. Ngunit aniya, hindi naman naging mahirap maging anak ni Robin noong wala pa siya sa limelight.
“When it was just me, 'Okay, Tatay ko siya.' Ta's nu'ng naging artista na'ko, du'n siya naging mahirap kasi then, I could feel the rules, may mga bawal like bawal mo gawin 'to, kailangan dito ka lang,” sabi niya.
Dagdag pa ni Kylie, “Expectations were difficult for me to understand kasi siyempre lumaki ako, Tatay ko lang 'yun, I didn't see him as a public figure.”
Nilinaw naman ni Kylie na sanay na silang magkakapatid sa estado ng kaniyang ama bilang artista, ngunit inamin na hindi nila alam kung gaano kalawak ito.
Nang tanungin kung nagustuhan ba niya ang naging karanasan nila, ang sagot ni Kylie, “Honest[ly]? I was just pushed into it. Hindi ako nagkaroon ng feelings about it until I was much older.”