GMA Logo Kyline Alcantara and Ivana Alawi
PHOTO COURTESY: ivanaalawi, kiel.hair (Instagram)
What's Hot

Kyline Alcantara and Ivana Alawi tell their first impression of each other

By Dianne Mariano
Published May 21, 2025 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fallen pine tree causes traffic jam, power outage in Baguio City
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Ivana Alawi


Ano kaya ang first impression nina Sparkle star Kyline Alcantara at actress-vlogger Ivana Alawi sa isa't isa?

Isang masayang food adventure ang ipinakita ng actress at vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang latest YouTube vlog.

Nakasama ng sikat na content creator sa food trip ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara.

Nagtungo ang dalawang stars sa Ugbo Street sa Tondo, Manila, kung saan sinubukan nila ang iba't ibang street food tulad ng cheese ball, crablets, barbecue, at iba pa.

Bukod sa food trip, nagkaroon din ng masayang kwentuhan sina Ivana at Kyline. Isa sa kanilang napag-usapan ay tungkol sa first impression nila sa isa't isa nang walang filter.

Ani Kyline, “Alam ko naman kasi na hindi maarte si Ivana dahil napapanood ko rin 'yung mga vlogs mo before. May thinking na parang, 'facade lang ba 'yon?,' may gano'n. Pero na-prove ko kanina sa car ride namin, na matagal-tagal, na wala po.”

Ayon naman kay Ivana, ang first impression niya sa Sparkle star ay maarte.

Paliwanag niya, “Kasi parang nung nakita ko siya, sabi ko, mukha siyang sosyalera, maarte. So nung nag-yaya siyang mag-street food, sabi ko, 'sure ka ba, Kyline?' Tas tinanong ko sa kanya, 'okay ka lang ba mag-Tondo?' 'Okay, I love it,' gumagano'n. Okay, let's go!”

Dagdag ni Kyline, “Laban 'yan siyempre.”

Bukod dito, ikinuwento rin ni Kyline na bata pa lamang ay pangarap niya ng maging artista.

“Maging artista talaga, 'yun talaga ang aking dream,” aniya.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SOPHISTICATED LOOKS NI KYLINE ALCANTARA SA GALLERY NA ITO.