
Mapapanood ang tambalang Kyline Alcantara at Kiko Estrada sa unang pagkakataon sa Dear Uge ngayong Linggo, June 17.
Gaganap si Kyline bilang ang kambal na sina Anna at Mae. Madalas silang magpanggap bilang iisang tao para makatipid at pagsaluhan ang lahat ng bagay tulad na lamang ng kanilang gym membership.
Ang hindi nila agad mamamalayan, tila naghahati na rin sila ng feelings para sa kanilang gym instructor na si Richard, ang karakter ni Kiko Estrada.
Kanino kaya mapapaibig ang binata? Kay Anna? Kay Mae? O sa kanila pareho?
Doble ang kilig at katuwaan sa ‘Twin Kasama Kita’ episode ng nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, June 17!