GMA Logo Kyline Alcantara at Kim Ji Soo
Source: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Kyline Alcantara at Kim Ji Soo, nabighani sa ganda ng Siargao

By Karen Juliane Crucillo
Published July 28, 2026 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan denies Jinggoy Estrada's motion to fix bail in plunder case
Pipila ka market vendors, nagpahigayon og lihok-protesta I One Mindanao
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara at Kim Ji Soo


Nabighani sina Kyline Alcantara at Kim Ji Soo sa kagandahan ng Siargao habang nasa taping ng 'Love, Siargao.'

Hindi nakaiwas sina Kyline Alcantara at Kim Ji Soo sa mga tinamaan ng "Siargao curse" dahil sa kagandahang taglay ng isla habang nasa taping sila ng romantic comedy series na Love, Siargao.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Lunes, July 27, inamin ng Sparkle artists na nabighani sila sa ganda ng Siargao.

"It's not a curse. It's a blessing," pahayag ni Kyline.

Dagdag pa ng aktres, "Parang lahat kami, mayroong thinking na parang pwede pa tayong mag-stay or like balik-balik tayo or like tumira kaya tayo dito parang katulad ni Ate Nadine."

Samantala, pinili naman ni Ji Soo na manatili pa sa Siargao kahit natapos na ang kanilang taping.

"I extended after taping, and then I enjoyed the island I deserve and exploring the island. I miss the lifestyle there. Like I can see the sunrise, sunset," kuwento ng aktor.

Kamakailan, kinilig ang viewers kina Kyline at Ji Soo dahil sa kanilang sweet na eksena sa serye, kung saan marami ang nagsabing bagay at may chemistry ang dalawa.

Mapapanood ang Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu Philippines.


Panoorin ang buong balita dito:

Video courtesy of GMA News (YT)

RELATED GALLERY: Kyline Alcantara shares candid moments from the set of 'Love, Siargao'