
Mapapanood na ngayong Sabado, June 9, ang unang pagtatambal nina Kyline Alcantara at Ruru Madrid sa telebisyon.
Isasadula nila ang love story ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa weekly romance anthology na Wagas mamayang 7 p.m. sa GMA News TV.
Ayon kay Gladys, excited na siyang masaksihan ng mga manonood ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa loob ng 25 years.
"Sharing our story before we became a couple til we exchange vows and the challenges we have gone through the years!" sulat niya sa Instagram.
Panoorin ang trailer dito: