GMA Logo Kyline Alcantara
Source: itskylinealcantara/IG
What's on TV

Kyline Alcantara, balik-taping na matapos ang week-long vacation sa Bicol

By Kristian Eric Javier
Published April 3, 2024 7:47 PM PHT
Updated August 29, 2024 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


Ready na ulit sumabak si Kyline Alcantara para sa upcoming series nila na 'Shining Inheritance.'

Matapos ang isang linggo sa kaniyang hometown sa Bicol, balik-taping na ang Kapuso star na si Kyline Alcantara para sa upcoming Philippine adaptation ng sikat na K-Drama series nila na Shining Inheritance.

“I'm looking forward to working again with incredible co-stars kasi, again, wala pong halong showbiz, lahat po talaga kami dun napakasarap po katrabaho,” ani Kyline sa interview niya kay Lhar Santiago sa "Chika Minute" para sa 24 Oras.

Bukod pa rito, may hatid rin na good news ang aktres dahil ito na ang ikatlong taon na pinili siya ng Korean Tourism Organization bilang Philippine ambassador.

“Nung nalaman ko 'yun, I got teary-eyed. Ang sarap po sa pakiramdam kasi pinagkakatiwalaan pa rin nila ako to promote Korea here in the Philippines, and Philippines sa Korea,” sabi niya.

Samantala, para kay Kyline ay isang reset ang pag-uwi niya sa kaniyang hometown sa Bicol. Bukod sa pagpunta sa beach at pakikipag-bonding sa kaniyang pamilya ay sumali rin siya sa prusisyon na para sa kaniya ay “pinaka-highlight ng trip na 'yun.”

BALIKAN ANG SEASIDE DINNER NI KYLINE AT KANIYANG PAMILYA SA BICOL SA GALLERY NA ITO:

In-enjoy rin umano ni Kyline and local delicacies ng kaniyang hometown, “'Di mawawala ang Bicol Express, ang Laing, at meron po akong natikmang bagong fish, kuwaw.”

Ayon pa sa aktres ay sa Sorsogon lang nahahanap ang nasabing isda at tuwing Holy Week lang ito umano lumalabas.

Unang inanunsyo ang Philippine adaptation ng Shining Inheritance sa naganap na story conference noong September 18, 2023. Bukod kay Kyline, bibida rin dito sina Kate Valdez, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

Sa story con, inamin ni Kyline na nakaramdam rin siya ng pressure ngunit handa naman siyang harapin ito.

“I feel great, I feel so blessed, and, as usual, I feel nervous, lalo na Philippine adaptation ito at ako ay isang honorary ambassador for Korea Tourism in the Philippines. Mas nakakakaba siya but it's good pressure. Actually, I like the pressure naman,” anang aktres.