
Break muna sa acting si Kapuso star Kyline Alcantara. Nais daw kasi niyang magpahinga matapos gumawa ng mabigat at nakakapagod na proyekto.
"Ngayon, nagpapahinga muna [ako] because napakabigat po ng Beauty Empire. Sobrang proud ako sa ginawa namin. Actually ngayon, nandito, kasama ko si Ms. Ruffa (Gutierrez). I'm just so happy that I created a family there," pahayag ni Kyline nang ma-interview sa isang event ng fashion designer na si Rajo Laurel.
Kasabay ng paghahanda niya para sa mga proyekto sa susunod na taon, naglalaan daw ang aktres ng oras para sa kanyang sarili.
"Masaya ang buhay ngayon--growing, evolving every single day," lahad niya.
Masaya din daw si Kyline na muling magkaroon ng panahon para sa kanyang mga hobbies.
"Tennis, nagfa-firing din ako, nagmo-motorbike. Ginagawa ko po ulit 'yun now na I have more free time," bahagi niya.