
Mahigit walong taon nang mag-best friend sina Kapuso actress Kyline Alcantara at Hanna Rioteta.
Inside link:
Photo by: hannarioteta (IG)
Nagkakilala ang dalawa nang minsang magpadala ng produkto ang pamilya ni Hanna para iendorso ni Kyline noong child star pa lamang ito.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kyline kung gaano niya pinapahalagahan ang kaibigan.
"Cannot handle life without this woman. Love you forevs," sulat ni Kyline para kay Hanna.
Agad namang sumagot si Hanna sa post na ito ni Kyline ng, "I love you!"
Sa pagsali noong 2021 ni Hanna sa 'Bawal Judgmental' segment ng Eat Bulaga, sinabi ni Kyline na malaki ang pasasalamat niya na naging kaibigan ang una dahil naging karamay niya ito sa kanyang "ups and downs" sa buhay.
Samantala, kilalanin ang iba pang celebrities na mayroong non-showbiz best friends sa gallery na ito: