
Kamakailan lamang nang kapwa napasama sina Primetime Queen Marian Rivera at Sparkle actress Kyline Alcantara sa Best Dressed List ng Preview Magazine ngayong taon, kung saan kinilala ng nasabing local fashion magazine ang 10 sa most stylish personalities ng bansa.
Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Kyline na isa si Marian sa mga hinahangaan niyang artista at nais na makatrabaho sa isang acting project.
Kuwento niya, " Si Ate Marian kasi nakatrabaho ko na s'ya sa SBS pero hindi ko s'ya nakatrabaho bilang co-artist ko like sa pag-arte talaga, so gusto ko rin s'yang ma-try."
Photo by: itskylinealcantara (IG)
Ayon kay Kyline, gusto niyang magkaroon ng isang challenging na role kasama si Marian. Aniya, "Siguro as ate ko s'ya or like magkapatid kami na may iba't ibang pinagdadaanan sa buhay pero at the end of the day we're still together. Challenging kasi ang galing umarte ni Ate Marian, obviously that's why she's a primetime queen."
Bukod kay Marian, nais din ni Kyline na makatrabaho sa isang serye ang mga kaibigan na sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Gabbi Garcia. "Of course, gusto ko ulit makatrabaho si Bianca [Umali]."
Sa ngayon, abala si Kyline sa Wattpad series nila ng on-screen partner na si Mavy Legaspi, ang "Love At First Read." Naghahanda rin ang aktres para sa upcoming digital series nila Mavy, na unang mapapanood bago ang kanilang teleserye.
MAS KILALANIN SI KYLINE ALCANTARA SA GALLERY NA ITO: