
Napapanood si Kyline Alcantara na magpalamas ng galing sa drama sa Inagaw na Bituin, kumakanta at sumayaw sa Studio 7, at magpatawa sa Sunday PinaSaya.
Ano pa kaya ang hindi nakikita ng karamihan kay Kyline?
Sa online exclusive interview niya sa Studio 7, sinabi ni Kyline na pangarap niyang maging isang sundalo.
“Gusto ko maging soldier. Kung 'di siguro ako artista ngayon, nasa road na ako ngayon ng pagiging soldier ngayon because my father's side of the family, halos lahat sila pulis or soldiers.”
Ano pa kaya ang ibang revelations ni Kyline? Panoorin sa kaniyang Studio 7 online exclusive interview:
Young Kapuso singers, kumanta ng hugot songs sa 'Studio 7 MusiKalye 3'