
Pansin ang glowing at vibrant look ng Kapuso star na si Kyline Alcantara sa kaniyang photos sa Instagram.
Noong May 30, kinilig at nabighani ang kaniyang mga followers sa kaniyang mga pinost na photos. Tila bumabati sweetly ang aktres ng "good morning" sa lahat.
Marami ang pumuri sa kaniyang natural beauty, kasama ang mga iilang celebrities katulad ni Yasmien Curdi.
Ngunit mas kinilig ang mga fans nang nakita nila ang comment ng kilalang basketball player na si Kobe Paras. With a
"heart eyes" emoji, open pinakita ni Kobe ang kaniyang pagiging admirer ni Kyline. Hindi lang iyon, rineshare pa niya ang litrato ng aktres sa kaniyang Instagram story na may pa-white heart emoji sa caption.
photo by: _kokoparas IG
Ngayong maraming nagpapakita ng interest sa kaniya, handa na kaya si Kyline Alcantara na buksan ang kaniyang puso?
Sa kaniyang panayam kay Lhar Santiago para sa 24 Oras, sinagot ni Kyline na hindi pa siya handa para pumasok sa isang relasyon.
Paliwanag niya, "'Cause feeling ko po dapat ko pa pong mas kilalanin 'yung sarili ko."
Dagdag pa ni Kyline, "Bahala na muna si God."
Focused muna ngayon ang Kapuso star sa kaniyang career lalo na't malapit na siyang sumabak sa taping ng adaptation series na Shining Inheritance. Ready na raw ang Kapuso actress para sa drama ngayon at nakapag recharge na siya sa South Korea. Kamakailan lang, bumisita si Kyline sa nasabing bansa para gampanan ang kaniyang duties bilang tourism ambassador para sa South Korea.
Very honored daw ang Kapuso star dumalo sa event dahil nakasama pa niya ang mga iilang Korean officials katulad ng minister at members of the parliament. Nakatanggap pa siya ng award of recognition galing sa kanila.
"Hindi ko po in-expect na ganoon siya ka-grand nakakaiyak nga po kasi it's truly a blessing," pahayag ni Kyline.
Maliban sa pag-enjoy mag-explore sa Korea, marami ring natutunan ang Kapuso star tungkol sa kanilang health at wellness practices.
Kuwento niya, "Pinahalagaan din po nila yung power ng meditation. I-let go 'yung mga noise or thoughts na naiisip natin and it really helped me."
RELATED CONTENT: Kyline Alcantara enjoys spring in South Korea