GMA Logo Kyline Alcantara
Celebrity Life

Kyline Alcantara, hinarana ang fans gamit ang kanyang song cover ng 'Mamma Mia'

By Dianne Mariano
Published February 15, 2024 1:47 PM PHT
Updated February 20, 2024 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


Humanga ang fans ng Sparkle actress na si Kyline Alcantara nang gumawa ito ng kanyang song cover ng awiting 'Mamma Mia' ng ABBA.

Marami ang humahanga sa Sparkle actress na si Kyline Alcantara dahil sa kanyang mga talento tulad ng pag-arte, pagsayaw, at pagkanta.

Related content: Kyline Alcantara's Kapuso milestones

Sa Instagram post ni Kyline nitong Valentine's Day, ibinahagi ng Shining Inheritance star ang video kung saan inawit niya ang kanta ng ABBA na “Mamma Mia.” Sa halip na upbeat ang tono, tila naging ballad ang nasabing awitin dahil iba ang paraan nang pagkanta ng aktres.

“my, my,” sulat niya sa kanyang caption.

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)

Sa hiwalay na post, ipinakita ng Sparkle star ang kanyang bagong hairdo at sinulat sa caption, “happy valentines.”

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinamalas ni Kyline ang kanyang talento sa pagkanta. Noong January, in-upload ni Kyline ang kanyang cover ng awitin ni John Legend na “Ordinary People.”

Bukod dito, iba't ibang song covers na ang ibinahagi ni Kyline sa social media. Kabilang na rito ang awitin ni Whitney Houston na “Run To You” at ang kanyang rendition ng “Fly Me To The Moon” ni Frank Sinatra.

Samantala, isa si Kyline Alcantara sa mga bibida sa upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean drama series na Shining Inheritance kasama sina Kate Valdez, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.