GMA Logo Kyline Alcantara
What's on TV

Kyline Alcantara, honored nang pangalanan ni Gloria Diaz bilang isa sa mga pinakamagandang aktres

By Aimee Anoc
Published October 31, 2025 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Venezuela welcomes 1,600 foreign rescuers in urgent search for earthquake survivors
Several want to transfer schools following Tacloban shooting
Anne Curtis wears same designer jewelry as Mariah Carey

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


Kyline Alcantara: "It's such a great honor po na masabihan ni Ms. Gloria [Diaz] na gano'n kasi syempre Ms. Universe po."

Honored at masaya si Kyline Alcantara nang pangalanan siya ni Gloria Diaz bilang isa sa pinakamagandang aktres ng kanyang henerasyon.

Isa ang pangalan ni Kyline sa binanggit ni Gloria kung sino para sa kanya ang tatlong pinakamagagandang artista nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda noong August. Kabilang sa mga pinangalanan ng beauty queen ay ang anak na si Isabelle Daza at Primetime Queen Marian Rivera.

"It's such a great honor po na masabihan ni Ms. Gloria na gano'n kasi syempre Ms. Universe po," sabi ni Kyline sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, October 31.

"Actually, noong napanood ko po 'yon sabi ko, 'Wow! I didn't know na gano'n po pala ang kanyang thoughts about me," dagdag niya.

Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung pinangarap ba niya na maging beauty queen o sumali sa beauty pageants, sagot ni Kyline, "Hindi po."

Ani aktres, sa halip na maging beauty queen ay gusto niyang maging sundalo.

"Actually dapat po this year magte-train po ako bilang reservist pero hindi po kaya ng schedule," pagbabahagi ng aktres.

Ayon kay Kyline, nais niyang maging sundalo dahil ang father sider ng kanyang pamilya ay mga sundalo at pulis.

MUST-SEE: The many looks of Kyline Alcantara that will make heads turn