
Busy ngayon si Kyline Alcantara dahil pagkatapos ng Kambal, Karibal, may mga guestings siya agad sa iba't ibang GMA Network shows, at kakatapos lang din ng kanyang solo concert.
Ngayon naman ay busy din si Kyline dahil kabilang siya sa upcoming musical variety show na Studio 7.
Pero hindi naman bothered ang Kapuso star sa kanyang schedule, at may oras pa rin naman daw siya upang magpahinga.
Aniya, "Of course po, binibigyan naman po ako ng management, Artist Center, ng time for myself. Kasi kailangan naman po na balance lang sa lahat ng bagay.
"And thank you po dahil busy ako, dahil blessing po siya. I'm not complaining about anything. Sabi ko nga po sa kanila, don't mind my sleep, I can manage it. Parang bigay niyo lang ako ng bigyan ng trabaho, and I'll accept it."
Ipapalabas ang Studio 7 ngayong October 14, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.