What's on TV

Kyline Alcantara, masaya sa nangyaring 'lock-in taping' ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit'

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 23, 2020 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP starts implementing arrest warrant vs Atong Ang, others
'Tigkiliwi' joins prestigious Fantasporto 2026 film festival in Portugal
Byron Garcia's plaint vs Cebu guv in alleged SWAT uniform junked

Article Inside Page


Showbiz News

kyline alcantara


"Sinasabi nga po namin lahat dito na sinuswerte kami," saad ni Kyline Alcantara sa nangyaring 'lock-in taping' ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit' sa San Mateo, Rizal. Bakit kaya?

Nawalay man sa kanyang pamilya ng tatlong linggo, masaya si Kyline Alcantara na masuwerte silang maganda ang naging location ng kanilang lock-in taping para sa Bilangin ang Bituin sa Langit sa San Mateo, Rizal.

Kuwento ni Kyline, na gumaganap bilang Maggie sa TV adaptation ng hit '80s movie, "Personally, masaya po ako dahil ganito 'yung naging location namin like may outside world, hindi lang katulad sa iba na like sa hotel lang sila tapos sa set, ganyan.

"Sinasabi nga po namin lahat dito na sinuswerte talaga kami kasi ayun nga po, may mga puno puno, kumbaga may outside world talaga."

Sa Estancia de Lorenzo sa San Mateo, Rizal ang naging location ng 'lock-in taping' ng Bilangin ang Bituin sa Langit' kung saan mapapanood sina Kyline Alcantara at Yasser Marta bilang Maggie at Jun.

Natutuwa man, inamin ni Kyline na malaking pag-a-adjust ang ginawa niya sa nangyaring lock-in taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Dagdag niya, "Mahirap dahil isang bagsakan po binigay sa amin 'yung script unlike before na per week, two weeks ganyan. Ngayon kasi isang bagsakan.\

"Pero madali rin siya at the same time because na-plot mo na 'yung character mo each week, so at least alam mo na yung kabuoan ng character mo.

"Ako po masaya kasi mas lalong naging close 'yung mga tao kasi siyempre lahat po kami dito, we have no choice but kausapin 'yung isa't isa and all I could say is masarap sa pakiramdam kasi suportahan and inaangat namin 'yung isa't isa and siyempre pahabaan ng pasensya rito."

Kinuwento rin ni Kyline na naninibago siya sa "new normal" lalung lalo na sa physical distancing pero masaya siya na sama-sama ang cast at crew ng programa sa isang resort.

Saad niya, "Nanibago po ako kasi ako po talaga machika po talaga akong tao tapos 'pag nakikipagchikahan ako, gusto ko talaga malapitan, personal ganyan.

"At least po ngayon, napapansin ko naman po sa lahat na alam po nila 'yung responsibilidad po nila at nirerespeto po nila 'yung isa't isa, nirerespeto po namin 'yung isa't isa by wearing our mask and our face shield every single time."

Panoorin ang buong interview kay Kyline sa itaas. Kung hindi naglo-load nang maayos ang video, maaari itong mapanood DITO.

Abangan ang pagbabalik sa telebisyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit simula December 7, sa GMA Afternoon Prime.