
Naghatid ng saya ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara sa episode ng It's Showtime ngayong Biyernes, September 15.
Isang pangmalakasan na performance ang hatid ng Kapuso star nang ipinamalas niya ang kanyang dance moves sa stage kasama ang girl group na Baby Dolls.
Matapos ito, binati rin ni Kyline ang mga manonood gamit ang iconic line na “What's up, Madlang People.”
Ayon sa 21-year-old star, ito ay ang kanyang ikalawang beses na nakabisita sa It's Showtime.
Aniya, “Actually po, second time. Kumanta ho ako rito ng 'Hallelujah' ata before noong bata pa ako.”
Isang fun fact tungkol kay sa guest Kapuso star ang ibinahagi ni Amy Perez sa madlang people at ito ay ang pagiging honorary ambassador of Korea Tourism Organization sa Pilipinas.
Ibinahagi ni Kyline na siya ay babalik sa South Korea sa susunod na linggo at lilibutin ang Seoul.
Mayroon ding tanong si Tyang Amy kay Kyline na nagpakilig sa mga manonood. “Tinatanong ng fans mo Kyline, kumusta raw ba ang puso mo ngayon? I-describe mo naman daw sa amin,” tanong ng TV host.
“Maligayang maligaya ho,” sagot ng aktres.
Tumingin din sa camera si Kyline nang naka-ngiti habang nagbigay ng shoutout. "Hello nga pala sa'yo. Sana nanonood ka din," aniya.
Hindi man pinangalanan ni Kyline ang kanyang binigyan ng shoutout ay kilig na kilig ang fans ng aktres.
Hindi maikakaila ang kilig sa pagitan nina Kyline at ng kanyang kapwa Kapuso star na si Mavy Legaspi. Sa interview ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda noong Hunyo, inamin niyang nasa ligawan stage pa lamang sila ni Mavy at hindi nila minamadali ang kanilang relasyon.
“Nandoon pa lang po kami sa courting stage and it might be cliche Tito Boy but we're really taking things slow,” pagbabahagi niya.
Nagkatrabaho na rin sina Kyline at Mavy sa ilang Kapuso shows gaya ng Luv Is: Love At First Read at I Left My Heart In Sorsogon.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.
Panoorin din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.